04
Jan
08

Ka Anne at Ka Mengki (maikling kwento)

Malaki ang naging ambag nila sa pagpapasigla ng propaganda para ipaglaban ang mga karapatan ng masang anakpawis. Sila ay nagbuwis ng buhay sa armadong pakikibaka. Sila ay mga anak ng bayan. Kailanman ay hindi malilimutan ng mga kasama at masa ang kanilang dakilang pag-aambag.

Florese Marie Macaleng
Ka Anne

Nagmula sa panggitnang petiburgesya si Ka Anne. Nagsimula siya bilang isang aktibista sa isang pamantasan. Patapos na ito ng kolehiyo nang magpasyang pumunta sa kanayunan para kumuha ng mga serye ng mataas na pag-aaral. Dito nagkaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang mga kasamang hukbo at mga masang magsasaka. Nagpasya itong magpultyam pagkatapos ng mga pag-aaral.

Noong una, hinarap ni Ka Anne ang kontradiksyon sa sarili: Magpupultaym ba sa hukbo? Paano kung mahirapan? Paano kung maging pabigat sa mga kasama dahil mahina ang kanyang mata.

Nang dumaan ang mga araw matapos magpultaym, ipinakita ni Ka Anne, na handa itong gumampan ng maraming gawain.

Makapal ang salamin ni Ka Anne. Pero sa kabila ng kahirapan sa paningin, masipag ito sa pagsusulat, pagguhit at pagbibigay ng pag-aaral. Hindi nagtagal naging propaganda opiser si Ka Anne.

Minsan habang nagbibigay ng pag-aaral si Ka Anne, may hindi inaasahang dumating na masa. Wala siyang dalang gamit kundi litrato. Magpapa-drowing pala siya kay Ka Anne ng larawan ng anak niya. Dahil salat sa kagamitan sa pagguhit, gumamit si Ka Anne ng lapis at filter ng yosi sa pagguhit. Tuwang-tuwa ang masa sa kinalabasan.

Nitong Nobyembre 20, namatay sa labanan ng militar at hukbo si Ka Anne. Tinamaan siya ng bala sa likod. Siya ay kalahating taong naglingkod bilang pulang mandirigma.

John Eric Santos
Ka Mengki

Nagsimula bilang aktibista sa pamantasan si Ka Mengki. Kumuha siya ng kursong Theatre Arts. Aktibo sa gawaing kultural si Ka Mengki.

Pumunta siya sa kanayunan noong buwan ng Abril, taong 2006. Pagkatapos ng ilang linggo ng integrasyon, nagpasya siyang magpultaym.

Noong umpisa pa lang, sinasabi na ni Ka Mengki na mahilig ito sa mga pangkulturang pagtatanghal. Sa kanyang direksyon, naglunsad ng maraming mga dula ang mga kasama at masa. Nagkaroon ng mga dula sa mga pulong masa, pag-aaral at espesyal na pagdiriwang.

Nitong Nobyembre 20, nag-alay ng buhay sa labanan ng militar at hukbo si Ka Mengki.

* Si Ka Anne at Ka Mengki ay bahagi ng Bagong Hukbong Bayan, Benito Tesorio Command.


Pinakamataas na pagpupugay ang iniaalay ng Kabataang Mabakabayan kay Ka Anne at Ka Mengki!


0 Responses to “Ka Anne at Ka Mengki (maikling kwento)”



  1. No Comments Yet

Leave a Reply