Mensahe
Sa Ika-43 Anib
Ni Andrea Sumulong
Tagapagsalita ng Kabataang Makabayan
Nobyembre 30, 2007

Mensahe
Sa Ika-43 Anib
Ni Andrea Sumulong
Tagapagsalita ng Kabataang Makabayan
Nobyembre 30, 2007

MATAPOS ANG PAMBOBOMBA SA PAMPUBLIKONG LUGAR NA GLORIETTA MALL,sinabi ng Malakanyang sa pangunguna ni National Security Adviser Norberto Gonzales na posibleng nagaganap ang pagatake ng mga terorista sa bansa. Nang lumaon, mapupwersa itong bawiin ang nasabing pahayag. Pero dahil sa tindi ng krisis na kinakaharap ng rehimeng Arroyo, malinaw na pinapakinabangan nito ang mga isyung makapaglilihis ng atensyon ng mamamayan.
Mga Eskandalong Sangkot ang Malakanyang
Nangangandarapa ang rehimeng Arroyo sa pagtatakip ng mga kasalanan nito sa sambayanan. Patuloy itong minumulto ng hindi nasasarhang eskandalong kinasasangkutan ng Unang Pamilya gaya ng Hello Garci, fertilizer scam, jueteng payola, Venable LLP, Macapagal Boulevard , Cyber Education at ZTE.
Nobyembre 30,2007
Una sa lahat, hapi bertdey! Mas marami ang nakakaalala sa iyong kaarawan kaysa sa iyong kamatayan. Marahil tama lang dahil ang ipinamana mo naman ay isang pagsilang – sa isang bagong Pilipinas na malaya sa mga Kastila.
Bilang paggunita sa iyong kaarawan, libu-libo ang magmamartsa sa kalsada. Mananawagan sila sa pagbagsak sa brutal na rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. May pagkakatulad siya sa kontemporaryo mong si Rizal – sa height. Dun lang. Buti na lang, hindi mo na siya naabutan. Labis ang kanyang pagpapakatuta sa imperyalismong US , ang sumasakop at siyang may pangunahing kontrol sa bansa natin ngayon.
Continue reading ‘Bukas na Liham ng Isang Kabataan Mula sa Kanayunan para kay Andres Bonifacio’
Malaki ang naging ambag nila sa pagpapasigla ng propaganda para ipaglaban ang mga karapatan ng masang anakpawis. Sila ay nagbuwis ng buhay sa armadong pakikibaka. Sila ay mga anak ng bayan. Kailanman ay hindi malilimutan ng mga kasama at masa ang kanilang dakilang pag-aambag.
(Ilang Tala sa Karanasan ng Isang Baryo sa Pag-iral ng OBL II)
I.
Dito sa lugar kung saan malawak ang kapatagan at mababa ang kabundukan, bagsak ang agrikultural na produksyon nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagkatuyo ng pananim sa tag-init at pagkasira nito sa pagdaan ng sunud-sunod na bagyo. Sa halip na bigyan ng gobyerno ng subsidyo sa produksyon ang mga magsasaka, nananawagan ito –lalo na sa mga kabataan -na sumali sa CAFGU.
Maraming pangako sa pagsali sa CAFGU. Ang sabi ng mga militar sa mga taga-lokal, magbibigay sila ng P1,800 at isang kaban ng bigas kada buwan sa bawat rekrut.
Hindi na bago sa mga taga-lokal ang operasyon ng militar. Pero simula nang ilunsad ang Oplan Bantay Laya II, mas nagbababad ang militar sa mga komunidad. Nagsasagawa na din sila ng mass recruitment para sa CAFGU.
Dahil paspasan ang pagrerekluta ng militar, malaking hamon sa BHB ang kagyat na magpaliwanag sa masa at hamigin sila na huwag magpasilaw sa pangako ng pagsali sa CAFGU. Matiyagang nagpunta sa mga bahay sa komunidad ang mga hukbo para magpaliwanag sa panibagong kampanya ng militar. Naglunsad din ang mga kasama ng mga pulong masa. Ang panawagan sa mga taga-lokal: Huwag talikuran ang uring pinagmulan. Ipagpatuloy ang laban para sa karapatan ng mga magsasaka.
Partido Komunista ng Pilipinas
Disyembre 9, 2007
Pinakamataaas na parangal ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryong kilusan kay Kasamang Monico Atienza (“Ka Togs”).
Pumanaw si Ka Togs noong Disyembre 5 sa edad na 60 matapos ang halos isang taong pakikibaka sa malubhang sakit. Mahigit apat na dekada siyang tuluy-tuloy na naglingkod bilang matapat, masigasig at mahusay na rebolusyonaryo at komunista, at nakapag-ambag nang malaki sa pagsulong ng proletaryong rebolusyong Pilipino.
Si Ka Togs ay kabilang sa mga lumahok sa muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 1968 sa patnubay ng Marxismo- Leninismo-Kaisipang Mao Zedong. Inihalal siya bilang isa sa mga kagawad ng unang Komite Sentral ng Partido. Bago ito, isa si Ka Togs sa
mga nanguna at puspusang nagtaguyod sa pagsusulong ng Unang Kilusang Pagwawasto sa loob at labas ng PKP mula 1967. Mahigpit din niyang sinuportahan ang Ikalawang Kilusang Pagwawasto na inilunsad ng PKP mula 1992.
Kung nais mong makita
ang tagong kagandahan
ng bayang sinta,
samahan mo ako
at suungin natin
ang masukal na gubat.
Hawiin ang mga damong ligaw
na nakaharang sa daan
at hayaang humapdi
ang sugat na kanilang iniwan.
Kung madulas ka’t maputikan,
abutin mo ang aking bisig
at sabay tayong bumangon sa pagkadapa.
Ang putik ay mahuhugasan din
sa pagtagaktak ng pawis.
Sa ating paglalakad,
mag-ingat sa paghakbang.
Piliing mabuti ang batong gagawing katuwang
dahil hindi lahat ay may taglay na katatagan.
Sila man ay umaasa din
sa lupang sinasandigan,
tulad ng mga punong sa atin ay pumapayong.
Huwag kang mainis sa panggugulat
ng mga dahon at sanga.
Kaibigan silang nagpapaalala
na sa paglalakbay na ito,
dapat ay mulat ang iyong mata.
Nakapapaso man ang init sa ating ulunan,
sasaluhin ng ilog ang pagod mong katawan.
Sundan natin ang landas
na kanyang pinagmulan
at tiyak na matatagpuan
ang di masasaid na bukal
ng buhay sa digma.
Masdan mo sa pagbubukang-liwayway
ang pagyakap ng mapupulang ulap
sa matatayog na kabundukan.
Damhin mo ang paghalik
ng hangin sa iyong pisngi,
dahil, sa wakas,
gising na ang araw sa silangan
at kasabay ng kanyang pagsikat
ang matamis na pagngiti
ng masang pinili mong pagsilbihan.
Ito ang walang kapantay na ganda
ng bayang minumutya.
gandang nasisilayan lamang
sa mga tagumpay ng pakikibaka.
Isang araw nitong Nobyembre, nakatanggap ng isang liham ang mga residente ng isang baryo sa kanayunan. Ang liham ay mula sa Kabataang Makabayan. Nangangalap sila ng suportang materyal para sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-43 anibersaryo ng organisasyon.
Isinaad sa liham ang ilang mga programang kasalukuyang ipinatutupad ng mga kabataan upang maging espesyal ang pagdiriwang na ito. Naglunsad sila ng serye ng mga pag-aaral ng teoryang MLM. Sumailalim sila ng treyning sa Self Defense bilang tugon sa dumadaming CAFGU sa lugar. Nagpamudmod din sila ng polyetong nagsisiwalat sa panloloko ng militar ang mga kabataan sa pagrerekluta nito sa nasabing grupong paramilitar. Naging abala din ang mga kabataan sa pag-eensayo ng mga pangkulturang pagtatanghal para sa gabi ng pagdiriwang. Idinaos nila ito kasama ng mga kasamang hukbo.
Sa ibaba ng mga ipinamahaging liham, nakasulat ang sumusunod:
Sa tagumpay ng rebolusyon,
Andrea Sumulong
Continue reading ‘Pagdiriwang ng KM at ang Pagpapakilala sa Bagong Tagapagsalita’
Para sa mga Tsino, kayamanan ang basura. Hindi pambihira ang makakita ng tao sa gilid ng daan na may hawak na tong na gawa sa bamboo at namumulot ng dumi ng kanyang alagang hayop.
Ang dumi ay ginagamit bilang pataba sa produksyon ng mga magsasasaka. Gumagamit din ng kemikal na pataba ang mga Tsino, pero hindi sila umaasa sa kemikal na pataba na hindi nila kayang likhain o nangangailangan pa ng malaking salapi. Hinalili nila ang paggamit nito sa mga organikong pataba.
Simula ng rebolusyong pangkultura sa Tsina, pinag-aralan ng mga mamamayan ang paggawa ng kemikal na pataba. Hindi ito gumagamit ng petroleum o natural gas na may prosesong mapanira sa kalikasan. Ngunit hindi sumapat ang nalilikhang pataba para sa napakaraming lupaing agrikultural ng Tsina.
Kaya naman pati ang dumi ng tao ay ginamit ng mga Tsino bilang pataba.
Simula rin ng rebolusyong pangkultura sa Tsina, napalitan ang mga pribadong kasilyas ng mga pampublikong palikuran na nagiipon ng duming gagamiting pataba sa produksyon.
Isang araw sa isang pangkomunidad na kasilyas, isang kasama ang nakakunot-noo.
Habang siya’y nakaupo, dumating ang isang kaibigan. Ang sabi ng huli, “ Aha, Kasamang Li. Andito ka pala’t seryosong nagbibigay ng ‘yung regular na kontribusyon sa agrikultura.”
May taning ang pagsalba sa kalikasan.
Dahil sa proseso ng pagkasira, maraming tao ang nalalagay sa peligro. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga sa mamamayan. Ang pagkasira ng lupa ay may dalang panganib sa milyun-milyong magsasaka. Dahil pangunahing nakasalalay ang bansa sa agrikultural na produksyon, malaking usapin ang pangangalaga ng kalikasang kaugnay ng mga agrikultural na lupain.
Recent Comments